An elder advocates for poor families and children before wealthy, indifferent judges in an ancient court

Mga Awit 82

banal na Bibliya
1Tumatayo ang Diyos sa banal na pagtitipon; sa kalagitnaan ng mga diyos, nagbibigay siya ng paghatol.
2Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? Selah
3Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha.
4Sagipin mo ang mahihirap at nangangailangan; alisin mo sila sa kamay ng masasama.
5Hindi nila nalalaman ni nauunawaan; nagpapalabuy-laboy sila sa kadiliman; lahat ng mga pundasyon ng lupa ay gumuguho.
6Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan.
7Gayumpaman mamamatay kayo tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.”
8Bumangon, O Diyos, hatulan mo ang daigdig, dahil mamanahin mo ang lahat ng mga bansa.

banal na Bibliya — CC BY-SA 4.0. Where these translations come from.

Copyright © 2018 Door43 World Missions Community. Supplied unaltered through eBible.org. Text unchanged, used under CC BY-SA 4.0.